www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

2 posters

Go down

29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first Empty 29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

Post by AC Fri Sep 11, 2009 12:31 am

Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first
PEP.PH
August 29, 2009
Melba R. Llanera

Sa estado ngayon ni Sarah Geronimo bilang top product endorser, Pop Princess and 2008 Box Office Queen, di pagtatakhan ang mga balitang marami na raw sa kanyang kapwa artista ang naiinggit sa kanya ngayon.

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa young singer kamakailan, klinaro niya agad na di siya naniniwala sa mga balitang iyon dahil wala siyang nakikitang dahilan para kainggitan siya ng mga kasama.

"Alam ninyo, di ako naniniwala na may naiinggit sa akin, may sariling galing [sila]. My gosh! Ang gaganda nilang lahat, ang gagaling nila! Ang gagaling nilang sumayaw, magagaling silang umarte, magagaling kumanta, so di ako naniniwala na may inggit na nangyayari sa mga colleagues ko.

"Nakikita din naman natin sa ASAP na balanced lahat. Lahat ng mga numbers balanseng ibinibigay."

PITTING SARAH AGAINST TONI. Nagsimula ang lahat sa di pagkakatuloy ng pelikulang pagsasamahan sana nila ni Toni Gonzaga para sa Star Cinema, hanggang sa pinagsabong at pinagkumpara ang dalawang young stars. Sa ngayon pati ang mga provincial tours na ginagawa nila ay binabahiran na ng intriga ng ibang tao.

"Nakakalungkot kasi alam mo naman ang mga tao, malisyoso saka may comparison lagi sa dalawang artists, sa dalawang performers. Ako, naiintindihan ko na, di ko na lang pinapansin.

"Saka di lang naman [ako] ang performer, di lang ako ang nagko-concert. Lahat kami dito sa ASAP may kakayahan na mag-concert, bakit naman kukuwestiyunin yun, di ba? At saka napakagaling ng isang Toni Gonzaga, ako nga fan niya ako kasi iba siyang kumanta, talagang malinis."

Nasulat kamakailan na may isang taxi driver daw na nagreklamo dahil ang anak niyang estudyante at ang mga kaibigan nito ay pinapunta sa bahay ni Sarah pero di naman daw hinarap ng Pop Princess. Ayon kay Sarah ay pinagtatakhan niya ang balitang ito dahil bukod sa wala siyang maalalang ganitong insidente, ang balitang umabot sa kanya ay isang bata raw ang nagtampo dahil di siya nagpa-picture dito at di estudyante gaya ng usap-usapan ngayon.

"That's untrue, talagang wala kaming alam diyan ng family ko, ng Mommy ko. Di ko talaga alam, wala talaga akong alam, promise.

"Sabi ko nga, kung totoo man yung bata tapos ngayon estudyante naman, ang gulo naman, ano ba talaga ang totoo? Kung totoong may bata na gustong magpa-autograph o magpa-picture, sabi ko nga mag-meet kami ng bata para mapagbigyan natin."

INTRIGUES AT BIRTHDAY PARTY. Naging kontrobersyal ang nakaraang birthday party ni Sarah dahil bukod sa hindi raw naimbita si Rayver Cruz, kung saan lumabas na talagang di raw pinaimbita ng pamilya ni Sarah, dumating naman daw si John Lloyd Cruz pero para ihatid lang si Billy Crawford, at hindi na siya pumasok. Hiningan namin ng reaksyon ang aktres tungkol dito.

"Regarding Rayver, di ko alam sa nag-o-organize kung sino ang mga inimbitahan niya. Ako naman kasi di ko alam kung sino ang mga invited na guests. Narinig ko na si John Lloyd nga raw ang naghatid kila Billy at di na siya bumaba. Ang sa akin, choice naman niya yun."

Kahit na-link na siya kina Ronnie Liang, Mark Bautista, Mark Herras, Rayver Cruz at John Lloyd, consistent pa rin si Sarah sa pagsabi na sa ngayon ay hindi pa rin talaga siya handang pumasok sa pakikipagrelasyon.
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first Empty Re: 29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

Post by jamz019 Fri Oct 02, 2009 7:07 am

AC wrote:Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

MALINAW HUH!!!WALA ALAM SI SARAH!!!
IMPORTANTE ULI,DI SILA APEKTADO,TAPOS!!!!
jamz019
jamz019
Moderator
Moderator

Posts : 250
Join date : 2009-09-19
Age : 47

Back to top Go down

29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first Empty Re: 29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

Post by Guest Fri Oct 02, 2009 7:03 pm

thanks for sharing!
ginawan pa ng issue yan eh. parang si sarah ang may kasalanan kung ba't di na-invite si rayver.

Guest
Guest

Back to top Go down

29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first Empty Re: 29Aug2009: Sarah Geronimo says love will just have to wait, her career comes first

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum