www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

14Jan2009: Rayver Cruz dismisses rumors about "Twilight" adaptation

Go down

14Jan2009: Rayver Cruz dismisses rumors about "Twilight" adaptation Empty 14Jan2009: Rayver Cruz dismisses rumors about "Twilight" adaptation

Post by AC Thu Sep 10, 2009 7:27 pm

Rayver Cruz dismisses rumors about "Twilight" adaptation
PEP.PH
January 14, 2009
Melba Llanera


Nang aminin ni Sarah Geronimo na may isa siyang kasamahan sa ASAP na nagsisilbing inspirasyon niya, lumabas ang pangalan ni Rayver Cruz na siya raw secret crush ng Pop Princess.

Wala pa mang kumpirmasyon na nanggagaling mismo kay Sarah, na si Rayver nga ang sinasabi niyang inspirasyon, marami ang kinilig at nagpahayag ng suporta sa tambalang Sarah- Rayver. Bagay na naging dahilan siguro kung bakit napasama ang young actor sa sequel ng Sarah-John Lloyd Cruz starrer na A Very Special Love ng Star Cinema—You've Changed My Life in A Moment.

"Ang laking pasasalamat ko sa Star Cinema na isinama nila ako sa sequel ng A Very Special Love," simula ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siyempre, makakasama ko ang mga box-office stars. Maganda rin ang role ko sa movie bilang kababata ni Sarah na may gusto sa kanya. So, sana abangan at suportahan nila ito.

Dagdag niya, "Pag sinasabi ng iba na gusto nila kami ni Sarah, natutuwa ako kahit papaano, sumusuporta at naniniwala sila sa amin."

Kahit wala pa rin namang kasiguraduhan kung si Ryaver nga ang sinasabing secret crush ni Sarah, aminado ang binata na ikinatataba ng puso niya na ito ang naiisip ng ibang tao.

"Hindi ako ang dapat sumagot niyan. Pero oo naman, flattered ako pag iniisip ng ibang tao na baka ako nga raw yun. Sino ba naman ang di matutuwa nun, di ba?"
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum