www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Rayver Cruz is going to be part of MAID

Go down

Rayver Cruz is going to be part of MAID Empty Rayver Cruz is going to be part of MAID

Post by AC Fri Jan 22, 2010 8:18 am

from: PEP january 20,2010

Rayver Cruz is going to be part of the ABS-CBN afternoon soap Magkano Ang Iyong Dangal, which will start airing on Monday, January 25, after Wowowee.
Noel Orsal


Rayver Cruz explains why his supposed secret relationship with Sarah Geronimo is impossible at this point
Rommel Placente
Isa si Rayver Cruz sa leading men ng 22-year-old actress na si Bangs Garcia sa bagong afternoon series ng ABS-CBN, ang Magkano Ang Iyong Dangal?.

Finally, nabigyan na rin ng chance si Rayver na maging isa sa male lead sa isang serye kaya naman masaya siya ngayon.

"Siyempre, happy ako. Maganda ang pasok ng 2010 sa akin," ang bati ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Magkano..., na naganap noong January 19 sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Masasabing mature na ang role ni Rayver sa serye. "Pero hindi naman siya yung daring na daring," paglilinaw ng young actor.

Nang usisain kung may kissing scene ba sila ni Bangs dito, aniya habang nakangiti, "Panoorin ninyo na lang yung mga eksenang gagawin namin."

Si Roxanne Guinoo ang original choice sa Magkano ang Iyong Dangal? pero pinalitan siya ni Bangs? Alam ba ni Rayver kung bakit?

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan, e. Nagulat na lang ako na hindi na pala siya. Ang pagkakaalam ko, nakapag-taping na siya para sa show namin. Siguro may nangyari or something... Pero wala talaga akong idea," ang pahayag ng 20-year-old actor.

JOHN-SHAINA SPLIT. Parehong kaibigan at kasamahan ni Rayver sa ASAP sina John Prats at Shaina Magdayao, na isa sa mga naging screen partner niya.

Aware si Rayver sa balitang hiwalay na ang dalawa, pero hindi raw niya alam kung totoo ito. At kung totoo man daw ito, nanghihinayang siya sa nangyari sa relasyon nina John at Shaina.

"Sayang naman kasi yung relationship nila, kung totoo mang break na sila, kasi matagal din sila. Marami na rin silang pinagsamahan together," saad ng actor-dancer.

Kung totoong nakipag-break na si Shaina, may balak ba siya na muli itong ligawan? Matatandaan na niligawan din dati ni Rayver si Shaina kaya lang, si John ang sinuwerteng sinagot ng nakababatang kapatid ni Vina Morales.

"Wala na siguro. Masaya na ako na magkaibigan na lang kami," sagot ni Rayver.

Pero kung sakali bang naging sila ni Shaina, aabot din kaya agad sa hiwalayan ang relasyon nila?

"Hindi ko alam, e. Hindi rin naman kasi natin masasabi kung anong mangyayari sa bawat isa sa atin, di ba?"

SARAH GERONIMO'S SECRET BF? Ang Pop Princess na si Sarah Geronimo ang nali-link ngayon kay Rayver.

May balitang lumayas diumano si Sarah sa kanilang bahay dahil sa pagiging mahigpit ng kanyang ina pagdating sa lovelife. Nagrerebelde na nga raw si Sarah ngayon dahil ayaw pa siyang payagan na makipagrelasyon gayung nasa tamang edad na ito.

Ano ang masasabi ni Rayver dito?

"Actually, napanood ko po yun na parang nagre-rebel nga raw siya, gusto niya nang bumukod. Di ba, alam naman nating lahat na imposibleng gawin niya yun na bumukod sa kanyang mga magulang at magrebelde halimbawa para sa isang lalaki? Hindi niya gagawin yun, e.

"Alam ninyo, sa tingin ko, si Sarah siguro yung tipo ng babae na siguro kahit nasa 28 na siya, gugustuhin pa rin niya na kasama niya yung family niya. Kasi ganun siya, e. Sobrang bait niya sa family niya. Sa magulang niya, sobrang masunurin siya. Kaya parang imposible yung sinasabi na nagrerebelde na siya," ang mahaba niyang paliwanag.

May nagsasabing boyfriend na ni Sarah si Rayver. Itinatago lang daw nila ang kanilang relasyon. Ano ang reaksiyon niya tungkol dito?
Rayver Cruz explains why his supposed secret relationship with Sarah Geronimo is impossible at this point
"Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung ganoong balita na sikretong girlfriend ko nga raw siya. E, malabo talagang mangyari yun dahil unang-una, hindi ko pa naman talaga siya nililigawan.

"Tsaka alam ninyo yun, kung sakaling magiging girlfriend ko si Sarah, bakit ko naman itatago, di ba? Saka kung halimbawang may karelasyon ka, kung halimbawang mahal ninyo ang isa't isa, hindi naman puwedeng hindi kayo nagkikita, hinid kayo lumalabas, di ba?" paliwanag ni Rayver.

Nakakadalaw na ba siya sa bahay nina Sarah?

"Hindi pa, e. Laging busy din, e," sabi ni Rayver. "Hindi naman sa natatakot ako kaya lang, nirerespeto ko yung desisyon ng parents niya, saka ni Sarah na hindi pa talaga puwede pa. So, huwag na lang nating ipilit. Hindi ko na lang ipipilit muna ang sarili ko dahil yun ang desisyon nila. Siguro focused muna siya sa studies niya at sa career niya.

"Naiintindihan ko naman na sumusunod siya sa magulang niya. Kahit sino namang magulang, yun ang gagawin para wala munang distraction. In time naman, papayagan din si Sarah. So, huwag tayong matatawa kung ngayong 21 na siya ay hindi pa rin puwede kasi yung desisyon ng mga magulang kelangan natin sundin."
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum