www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

13Jul2009: Sarah Geronimo says she does not mind if Rayver Cruz is courting Melissa Ricks

Go down

13Jul2009: Sarah Geronimo says she does not mind if Rayver Cruz is courting Melissa Ricks Empty 13Jul2009: Sarah Geronimo says she does not mind if Rayver Cruz is courting Melissa Ricks

Post by AC Fri Sep 11, 2009 12:08 am

Sarah Geronimo says she does not mind if Rayver Cruz is courting Melissa Ricks
ABS-CBN Showbuzz
July 13, 2009
by Bernie Franco



Natutuwa man si Sarah Geronimo sa concern ng fans sa kanya dahil sa pagtatanggol sa kanya sa umano’y isyung panggagamit sa kanya ni Rayver Cruz, sinabi ng bagong Box-Office Queen na kailangan pa ring irespeto ang pribadong buhay ng mga artista at ang kanilang mga desisyon, sa panayam sa kanya ng The Buzz. Napapabalita kasi ngayon na pinopormahan daw ni Rayver si Melissa Ricks na nauna nang itinanggi ng dalawa.

“Natutuwa rin naman ako sa concern na pinapakita sa akin ng aking mga supporters,” simula ni Sarah. “Kung totoo man na nililigawan niya (Rayver) si Melissa wala naman pong masama do’n binata naman siya. Wala naman siyang commitment sa ibang babae, o sa akin. Hindi naman siya nanloloko ng ibang babae, so masaya ako para sa kanya kung saan siya masaya. Kailangan din siguro ng irespeto ang mga artista sa mga private life nila. Kung sino man ang gusto nilang ligawan hayaan natin sila kasi free will nila ‘yon, choice nila ‘yon. Hindi tayo dapat mag-assume na (nanggagamit) at ang pagiging judgmental siguro iwasan natin.”

Sa POV (Points, Opinion, Violent Reaction) segment ng The Buzz, sinabi ng host na si Ruffa Gutierrez na sinabi umano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na choice umano ni Sarah na hindi pa ngayon ang tamang oras para sa love-life. Pagtutuunan daw nito ang love-life pagsapit niya ng 25-anyos. Sa opinyon naman ni Boy Abunda, sinabi niya na nauunawaan niya ang pakiramdam ng mga tagasuporta ni Sarah kung magkaroon sila ng di pagsang-ayon sa panliligaw umano ni Rayver kay Melissa habang nali-link pa siya kay Sarah. “ ‘Pag tagahanga ka, very possessive. Ang relasyon mo sa artista is not an intellectual relationship it’s very emotional,” paliwanag ni Boy. “To understand ang pakiramdam talaga ng fans, ang gusto talaga nila dapat nalalaman.” Dagdag pa ng King of Talk upang malinawan sa sitwasyon makatutulong umano kung ipapaliwanag ni Rayver kung nanliligaw ba talaga siya kay Melissa o kay Sarah.
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum