www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

02Feb2009: Sarah Geronimo willing makipag-date kay Rayver Cruz sa Valentine’s Day

Go down

02Feb2009: Sarah Geronimo willing makipag-date kay Rayver Cruz sa Valentine’s Day Empty 02Feb2009: Sarah Geronimo willing makipag-date kay Rayver Cruz sa Valentine’s Day

Post by AC Thu Sep 10, 2009 8:12 pm

Sarah Geronimo willing makipag-date kay Rayver Cruz sa Valentine’s Day
People's Taliba
February 2, 2009
Tonee Coraza



SI Sarah Geronimo ang bagong endorser ng Careline cosmetics ng Ever Bilena which caters to the young market.

Siya ang napili kasi she’s currently no. 1 among her peers and she has good moral character.

In other words, virginal kasi ang beauty ni Sarah, ‘di tulad ng ibang young stars natin sa kasalukuyan na mga mukhang ‘gasgas’ na.

Si Toni Gonzaga ang original endorser ng Careline at siya ang naging dahilan kung bakit na-ging no. 1 sa market ito for the past three years. But since mature na ngayon si Toni (she’s 25 last Jan. 20) naisipan ng Careline na kumuha ng bagong endorser na bata since nagke-cater nga sila sa young market.

Gagawing Ever Bilena lady na si Toni along with Francine Prieto.

Halatang glowing ngayon si Sarah, at hindi lang dahil sa Careline make-up na ginagamit niya, kungdi masaya si-ya’t kasama niya si Rayver Cruz sa pelikula nilang You Changed My Life with John Lloyd Cruz. Aminado siyang kinikilig siya kung tinutukso sila ni Rayver sa set.

“Buti na ‘yong kinikilig, kasi kung hindi ako nakakaramdam ng ganito, something must be wrong with me. Maski mommy ko, eh, kinikilig din sa amin ni Rayver, ayaw lang niyang sabihin,” pagbubuking pa ni Sarah.

* * *

SA presscon ng May Bukas Pa, ibinuking sa amin ni Maja Salvador na may crush din pala si Rayver kay Sarah, kaya lang nahiya itong mag-sabi.

“Nakaka-flatter na-mang malaman na crush pala niya ako. Pero, mas maganda kung siya mismo ang magsasabi sa akin. Mas nanamnamin ko ‘yon,” wika ni Sarah na super-kinikilig.

Aminado si Sarah na mas komportable na siya kay Rayver ngayon.

Nakakatingin na raw siya nang diretso ngayon sa aktor. At nahahampas na raw niya ito kung nagkukulitan sila.

Hindi pa raw nagsa-sabi si Rayver kung gusto nitong maka-Valentine date siya.

“Pero, if ever po na yayayain niya ako sa Va-lentine’s Day na lumabas, hindi naman po sigu-ro masama kung ia-accept ko ‘yon. Basta lang po may permission ako sa parents ko,”pahayag ni Sarah.
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum