www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

5 posters

Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by dhey1216 Sun Jan 10, 2010 9:21 am

Rose Garcia
Saturday, January 9, 2010
03:16 PM

STILL NO TIME FOR ROMANCE. Inurirat ng ilang entertainment press ang young actor na si Rayver Cruz, dahil sa mga nali-link daw kay Sarah, si Rayver daw ang pinaka-consistent at persistent sa panliligaw sa kanya.
Binigyan ba siya ng Christmas gift ng binata?
"Ano po, friendship!" natatawa sabi ng dalaga. Pero sa huli ay inamin niyang "pabango... yung gusto ko pong pabango.
"Pero secret po. Baka may endorsement na lumabas na pabango, para safe po," at natawa siya uli.
Matagal nang usapin sa press ang di pa pagkakaroon ni Sarah ni minsan ng romantic involvement. At mukhang sa 2010 ay ganito pa rin ang paninindigan ng aktres, kahit na 21 years old na siya.
"Marami pa po kasing kailangan asikasuhin, e. Marami pa pong factors na kailangang i-consider. Mahirap po, e. Mahirap pong ipaliwanag. Saka na po kapag puwede na."
Alam naman ng marami na nakadepende pa rin sa mommy niya or sa parents niya kung magkakaroon siya ng boyfriend. Sa naturang post-Christmas party, tinanong si Mommy Divine kung ano ang tingin niya sa masugid na si Rayver.
"E, kung magiging ganun nga po siyang talaga, tingnan po natin sa 2020," natatawang sabi ng ina. "Joke lang po naman. Hindi ko rin naman po masasabi yun, di ba?"

DATING. Pero ayon nga kay Sarah, "Alam naman po [ni Rayver] yun na yung friendship po namin na nabuo bago pa magsimula ang pelikula, yun po ang pinapahalagahan namin. Ngayon, nandirito, 2010 na, sana manatili yun. Yun lang naman po."
Imbitahin man siya ni Rayver na mag-date, ang problema pa ni Sarah ay kung paano magkaroon ng panahon.
"Busy po yung schedule. Parang kahit sa pag-aaral nga, nahihirapan akong pagsabayin, so, bahala na."
Kung sakaling magkaroon nga ng tiyempo, "kailangan magpaalam muna siya sa parents ko," ang sabi ni Sarah.
Yun lang kaya ang kulang sa ginagawa ni Rayver, ang magpaalam sa parents niya?
"Hindi ko po alam kung paano sagutin ang tanong niyo," sabi ni Sarah na tila dinadaan na lang sa tawa ang mga sagot.

BALANCE. But just like any girl, may mga daydreams din si Sarah tungkol sa pagbo-boyfriend.
"E, siyempre naman po, nabi-visualize ko rin po kung paano ba ako bilang isang girlfriend. Paano kaya? Yung ganyan... E, nakikita ko nga po, parang ngayon, hindi pa siya mangyayari. Ang daming priorities pa. Tapos yun nga, yung pag-aaral, nahihirapan din akong pagsabayin bilang home study."
Pero as a girlfriend, nakikita niya ang sarili niyang, "ay naku, sobrang mapagmahal. Siyempre naman, responsible rin na girlfriend at anak. Alam mo rin yung limitation mo. Alam mo yung boundaries at saka siyempre, kailangan mong maibalanse yung work, yung family, yung lovelife.
"'Yan po ang tingin ko, hindi pa po ako ready na i-handle at this point in my life."
Ang sabi ng mommy niya, kung magkaka-boyfriend siya, yun na rin sana ang makakatuluyan niya.
"Ako rin naman po, yun din po ang gusto ko. Ayoko rin po ng palipat-lipat ng boyfriend."
Alam daw ni Rayver na hindi pa talaga siya allowed na magpaligaw at lalo na magka-boyfriend.
"Ay, alam niya po kung gaano ako pinoprotektahan ng parents ko. Alam niya po kung ano ang mga priorities ko... Basta kami, happy po kami na kami ay magkaibigan. Na kami ay nag-uusap.
"Yung nalalabasan ko ng sama ng loob ko. In a way, parang best friend ko na rin siya rito sa business na ito."


(credits to PEP.ph)
dhey1216
dhey1216
Member

Posts : 102
Join date : 2009-09-21
Age : 35
Location : South, Phil

http://dhey1216.multiply.com

Back to top Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Re: Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by rhedd Sun Jan 10, 2010 10:16 am

WAAAAAAHHH..ANG GANDA NG TAON..KAKALULA ANG MGA SaVer ARTICLES..WAHAHHAHA...
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Re: Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by Mamich Sun Jan 10, 2010 11:11 am

Awww... Nakakatuwa naman! Lagi silang nandyan para sa isa't isa.

Nung namatay yung Papa ni Bro, nandyan si Ate para i-comfort siya.

Kapag si Ate naman ang malungkot, si Bro ang labasan niya ng sama ng loob.

Kung kayo nandyan para sa isa't isa, nandito lang din kami, susuporta sa inyo.

Mamich
Member

Posts : 16
Join date : 2010-01-02
Age : 31
Location : QC

Back to top Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Re: Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by knsm7o4 Sun Jan 10, 2010 9:07 pm

si Rayver daw ang pinaka-consistent at persistent sa panliligaw sa kanya.

very good hehe
knsm7o4
knsm7o4
Member

Posts : 15
Join date : 2009-12-13
Location : Philippines

Back to top Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Re: Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by rose07 Mon Jan 11, 2010 6:50 pm

knsm7o4 wrote:si Rayver daw ang pinaka-consistent at persistent sa panliligaw sa kanya.

very good hehe

korekness ka jan knsm7o4 thumbs up thumbs up
rose07
rose07
Moderator
Moderator

Posts : 225
Join date : 2009-09-19
Age : 37
Location : national city,CA

Back to top Go down

Sarah doesn't see herself ready for love in 2010 Empty Re: Sarah doesn't see herself ready for love in 2010

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum