www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

5 posters

Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

Post by AC Fri Apr 16, 2010 10:56 am

Rayver uupakan ng tatay ni Sarah?

Bandera First Posted 07:30:00 04/13/2010 Filed Under:

Rayver uupakan ng tatay ni Sarah?

PRENTENG-PRENTE kaming nanonood ng ASAP nu’ng Linggo nang makatanggap kami ng text message na ganito ang nilalaman, “Gaano po ba kalaki ang galit ng pamilya ni Sarah (Geronimo) kay Rayver (Cruz) para po sabihin ng tatay ni Sarah na uupakan niya si Rayver?”

Natanggap namin ang message na ito pagkatapos na pagkatapos ng production number nina Rayver, John Prats, Gab Valenciano at Mickey Perz. Tumawag kami sa aming texter, “Galing po sa stage si Rayver at papunta ng dressing room, hinarang po siya ng tatay ni Sarah po, dinuduro siya at ang sabi po, ‘Huwag kang makalapit-lapit sa anak ko at uupakan kita, tandaan mo ‘yan!’

“Tapos, nakita po namin si Rayver, yumuko at nagsabi po ng ‘Opo’ at yung lalapit siya sa tatay ni Sarah para magbigay galang, e, dinuduro na po siya at sabi uupakan nga raw siya.

“Ms Reggs, bakit po ba? Ano ba ang galit ng pamilya ni Sarah kay Rayver? Bakit po uupakan daw siya?” sabi pa ng aming kausap.

Kung totoo man ang sumbong sa amin ng aming source, nagtataka kami kung ano ba ang dahilan ng ganu’ng katinding galit ng magulang ni Sarah kay Rayver? Balik-tanong namin sa aming kausap, ano ang sabi ni Rayver?

“Parang namula po, sobrang lungkot at parang hindi na siya mapakali after nu’n,” sagot naman nito.

Sinubukan naming tawagan si Mommy Divine tungkol sa nangyari, pero cannot be reached ang cellphone niya. Bukas ang pahinang ito sa panig ng mga magulang ni Sarah para linawin ang balitang ito.

--

Rayver, Gustong Upakan Ng Daddy Ni Sarah Geronimo
(Di Lang Si Mommy Divine Ang Mahigpit!)
ni Peter Ledesma, Hataw

Last Sunday habang idinaraos ang ASAP XV ay nagkaroon raw ng ma-tinding tensiyon sa backstage nang harangin umano ng Daddy ni Sarah Geronimo si Rayver Cruz na gusto sanang puntahan si Sarah Geronimo sa dressing room ng Pop Princess.

Katatapos lang noon ng production number nila ni Rayver, John Pratts at Gab Valenciano. At dahil sa sobrang nami-missed na nga si Sarah dahil matagal na silang hindi nagkikita sa sobrang busy ng sikat na young singer/actress. Habang papunta siya (Rayver) ng dressing room, nakasalubong niya ang Daddy ni Sarah, na galit na galit sa kanya at binantaan pa siya na huwag lalapit sa anak kundi uupakan niya ito. Well, obvious naman na nasulsulan na ni Mommy Divine ang kanyang mister kaya't ganoon na lang ang galit niya kay Rayver na wala namang ginagawang masama sa kanila. Grabe naman ang mag-asawa, wala na silang ginawa kundi hadlangan ang kaligayahan ni Sarah. Hala, sige kayo, kapag nagtanan 'yang daughter n’yo at si Rayver ay baka mawindang lang kayo. Posible ring magrebelde si Sarah sa sinyo si Sarah kapag ganyan nang ganyan kayo.

‘Yun na!

--

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon)
Updated April 15, 2010 12:00 AM

Seen : May ibang aktres na nililigawan si Rayver Cruz at hindi siya si Sarah Geronimo.

Scene : Narinig ng nanay ni Sarah Geronimo ang sinabi ng kamag-anak ni Rayver Cruz : “Siguraduhin mo na magiging girlfriend mo si Sarah. Malaki ang kita niyan.” Hindi kilala ng kamag-anak ni Rayver ang nanay ni Sarah na nasa tabi lamang niya.

--

YOUNG ACTOR, AFTER MAKIPAG-BREAK, PINALITAN AGAD ANG GF NA SINGER NG SIKAT AT SEKSING YOUNG STAR!
(Baka hampasin na lang ng ponda...)
ni Len Ramos Llanes, Bulgar

Akala namin ay talagang perfect example na ang celebrity na ito among the youth dahil ina-idolize siya. So, it isn't true na all work and no play siya.

Pero ina-admire pa rin namin ito sa pagiging isang masunuring anak sa kanyang mga magulang. Last Tuesday afternoon kasi, nag-umpukan na naman
ang ilang members of the press. Galing ang iba sa presscon ni Kim Chiu at marami raw ang puzzled sa tanong ng isang member of the press.

Ang controversial question ay, "Kim, kung ikaw ba'y makikipag-hiwalayan sa boyfriend, pu-putulin mo rin ba ang buhok mo?"

Sagot daw ni Kim, "Sino ho bang tinu-tukoy niyo, 'yung singer at 'yung dancer?"

'Yun na 'yun na nga ang clue.

So, kahit deny to death ang dalawang tinukoy ni Kim, all the while pala ay may relasyon na sila. At against siyempre ito sa kagustuhan ng mga
magulang ng babae. 'Yung parents ng girl have their own reasons.

Dinugtungan nang dinugtungan ng mga kasamahan namin ang kuwento. According to somebody in the group, minsan daw na dumalo ang singer sa isang
gathering ng pamilya ng lalaki, narinig daw ng mom ng babae na nag-u-usap ang mga kamag-anak nila at tungkol ito sa kanyang anak.

Sabi raw ng isa, "Naku, ga-gamitin na naman 'yan ni (pangalan ng nanay ng guy) para sumikat lang si (pangalan ng guy)."

Eh, medyo ma-daldal nga raw ang mother ng guy at minsan na rin daw itong naringgan ng isang 'di ka-nais-nais na comment nu'ng makipag-hiwalay ang
anak sa isang young star.

Sabi raw nito, "'Di bale, nang nakipag-hiwalay siya, inanu-ano (hindi namin ma-gamit ang term dahil pangit pakinggan at may sexual connotation)
naman na siya ng anak ko."

So, ang shocking ay ang balitang ang young actor na ito raw ang nakipag-kalas kay girl. Hindi na raw nito ma-take ang ka-higpitan ng mga magulang
ng girl.

May luma-labas din na balitang sinabi raw ng tatay ng girl sa guy na, "'Pag hindi mo tinigilan ang anak ko, baka ma-upakan na kita!"

Pero mas shocking pa ang kasunod na chismax. May ipinalit daw ka-agad ang guy sa young singer - isang sexy at sikat na sikat sa ngayon na
young star din.

Ang haba talaga ng kuwentuhan. 'Yun na nga ang ending, ipina-putol ng girl ang kanyang buhok sa inii siguro sa mga nangyari.

Comment tuloy ng isang senior writer, "Kawawa naman ang girl na 'yan. Na-frustrate na nga doon sa poging naka-pares niya, heto at isang
disappointemnt in love na naman ang kasunod."

Sabi namin, "Paanong na-frustrate?" sagot nito, "Eh, 'di naman siya ni-ligawan nito, 'no?"

Poor little rich girl ngang ma-ta-tawag ang celebrity na ito.

--

Cristine, third party sa hiwalayang Sarah-Rayver?
by Nel Alejandrino
Thursday, 15 April 2010 18:19
HOY, Ian F., totoo kayang ang nag-cause raw ng breakup nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz ay si Cristine Reyes?

O, ’di ba, nabanggit ko na minsan dito sa Tattle, once nag-break na ang two personalities sa showbiz, doon mo lang malalaman na naging ‘sila’ pala?

The reported romance between Sarah and Rayver, though continuously being whispered about, ay supposedly ‘sikretung-sikreto.’

Fully guarded kasi si Sarah ng people who matter to her and vice-versa.

But as we always say, kapag tumibok na ang puso ng isang artistang babae, harangan man siya ng sibat, gagawa at gagawa iyan ng paraan para ma-reciprocate ang pag-ibig na inihahain sa kanya ng lalaking minamahal.

May iba ngang kilalang artista riyan na alam ng lahat sa showbiz, tambak ang bodyguards na nagbabantay, pero ‘nakakalusot’ pa rin, wika nga.

But, of course, these are during their younger days. In the end, they realized din na ‘mama and papa’ still know best... what’s good for them.

Pero, kasabihan nang kung ano ang ipinagbawal ay siyang masarap gawin.

Hindi po ito blind item, sa totoo lang.

--

Rayver Cruz courting Sarah Geronimo for fame and money: Overheard by Sarah’s mom herself!
By Pinoy Gossip Boy | Published: Apr 15, 2010

If marrying for convenience is common in the lower strata of the medieval society, would it be the same in showbiz?

A reputable tab published a report today that a relative of Rayver’s was overheard by no less than the mother of Sarah Geronimo that the young actor-dancer, despite coming from a prominent showbiz clan, was induced by his relatives to court Sarah Geronimo. According to the laconic report, Rayver’s inducement is Sarah’s fame and money.

Mommy Divine Geronimo herself overheard such statement from a relative of Rayver’s, who apparently, does not know her. The relative of Rayver’s was quoted saying: “Siguraduhin mo na magiging girlfriend mo si Sarah. Malaki ang kita niyan.”

If Mommy Divine said this so, I guess there is truthfulness in this report by the reputable tab.
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Comments

Post by AC Fri Apr 16, 2010 11:08 am

Page 151 Link here

Originally Posted by Myat of SaVers' PExCommunity

Grabe huh sobrang below the belt na ang paninirang ginagawa nila kina sarah at rayver.bop3 sobraaaaaaaaaaa na. owverrrrrrrrr. bop3 Dinadamay na pati mga pamilya nila. Yang issue na kesyo may nakarinig sa isang kamag-anak ni ray na sinasabi ligawan si sarah kasi malaki kita etc.. sobrang low naman ata niyan. Maninira lang sila hindi pa masyadong pinag-isipan kung anong paninira ang gawin. Makailang beses ba sinabi nina sarah at ray na close friends lang sila. Oh bakit may mga paninirang ganyan kung wala naman pala silang relasyon? ano behh bop3


--

Originally Posted by rane_santos of SaVers' PExCommunity

sobrang below the belt na... nakakainis na talaga... nakow... pray na lang natin sila baka kasi naliligaw na sila sa landas... bop2


--

Originally Posted by udontknowmeok of SaVers' PExCommunity

pa-comment lang mga savers ha. katakot pala maging close friend ng isang sarah geronimo, ano? kasi napaka-complicated..paano na lang kung naging boyfriend niya si Rayver Cruz? Baka huhukayan na siya ng libingan ng mga taong nakakapalibot kay Sarah. Napaka-tragic naman na kahit matalik lang na kaibigan gawan pa ng ganitong isyu.

Kung ako kay Rayver Cruz, magpakayaman ka muna ng mabuti. I-prove mo sa lahat kung anong klaseng tao ka. Huwag mong hayaan na tuluyang sirain ng mga taong nakapalibot kay Sarah ang iyong pagkatao at kaluluwa. Kaya man nilang sirain ang career mo pero HINDI nila kayang sirain ang moralidad at pagkatao mo.

Bata ka pa Rayver. Marami ka pang pwedeng maabot sa buhay. Isa kang mabuting tao at naniniwala ako sa kakayahan mo at kabutihan mo. Isa lang itong pagsubok. Hindi ka bibigyan ng Dios ng ganitong pagsubok kung hindi mo kaya. Kung ano man itong mga binibintang nila sayo, gawin mong inspirasyon para maging isang mas mabuting tao ka pa. Isipin mo lang na ang buhay ay parang gulong. Kung nasa ibaba ka man ngayon, darating at darating din ang araw na nasa itaas ka. at huwag na huwag mong kakalimutan kung ano mga pinagdaanan mo, kasi that's what makes you humble and grounded.

Good luck sayo, Rayver. Maraming nagmamahal at naniniwala sayo. God bless.


--
Originally Posted by alexa34 of SaVers' PExCommunity

sarah At Rayver, tibayan Ang Loob....lakasan Pa Ang Dasal....alam Niyo Ang Totoo. Kung May Tao Mang Nakakakilala Sa Inyo, Kayo Yun.

Sa Mga Taong Naninira....sana Makatulog Kayo Ng Mahimbing Sa Gabi..i Pray Lang Na Sana Hindi Kayo Makarma Ng Bongga!

Isang Napakalaking Question Mark Kung Bakit Hahantong Sa Ganito Na Isang Friendship Lang Naman Ang Namamagitan. Maawa Na Kayo Sa Mga Bata. Please.


--

Originally Posted by gurlashpark of SaVers' PExCommunity

Quoted udontknowmeok's post: thank you for supporting our rayver... korek si sister..! mahirap pala maging kaibigan si Sarah Geronimo,PERO di yun alintana ni BRO kasi gaya nga ng sabi nya " im willing to get bad press wag lang si Sarah".. o dba?.. kasi GENUINE FRIENDSHIP" ang meron sila.. at kung ano man ang dahilan bakit parang takot na takot sila na magsama ang dalawa e desisyon nila yun. basta ang SAVER lang naman ang makakapagdecide nyan eh..kaya "constant commuication" dapat ang imaintain nila...if may lumabas na intriga- text, tawag agad sa isat isa ang gawin para parehas ulit at tugma ang mga interview...ayeeeeeeee!


--

Originally Posted by jamsaray of SaVers' PExCommunity

we all know na how rayver and sarah pilit na pinaglaban ang kung ano man ang meron sila. The problemis takot ang mga nakapaligid kay sarah na baka gamitin or so forth. bakit naman gagawin ni rayver yun, at kahit kailan hindi sya ganun. Sariling pawis at hardwork ang puhunan nya at ang talent nya. Same with Sarah na sumikat on her own. Nagkataon hinihintay nila na magkaron sila ng butas k rayver at eventually tuluyan ng masira ang friendship ng 2. Cabooze Bar ay pag aari ni rayver , eventually pag may mga showbiz artists na bumisita dun he will entertain of course dahil na rin sa support. Its a bar so what can you expect. we all know na friendly sa lahat ang 1 rayver cruz. pati nga kina direk cathy atbp. Nilagyan ng malice para sirain ang friendship ng 2.
Simpleng selosan na umabot na sa hindi inaasahang situation. Ang kasalanan lang nina sarah at rayver ay nagmahal sila sa maling panahon.


--

Originally Posted by Popsher of SaVers' PExCommunity

We cant blame dadi delfin ang mommy divine for reacting that way. but nakakalungkot din na from the start ay hindi sila open minded na darating ang panahon na si Sarah ay magmamahal din. syempre lahat naman dumadaan sa ganyan ang diprensya hindi karaniwan ang status ni sarah.
Dumating sa buhay ni sarah si rayver na hindi inisip na sarah geronimo nga pala ito. At tayo naging part ng Roller Coaster na pinagdaanan nila. May kilig saya atbp. Lahat tayo malungkot at i'm deeply hurt sa nangyari. katulad nilang 2 na for sure ay umiiyak din. Mahal nila ang isat isa. At andyan naman si God hope ang mabigat na trials ay malampasan uli nila.


--

Originally Posted by Myat of SaVers' PExCommunity

sobrang affected ang ibang tao talaga sa friendship nina sarah at rayver. sobraaaaaaaaaaaaaaaa silang affected. owverrrrrrrrr bop3


--

Originally Posted by Kaye_Oliver of SaVers' PExCommunity

being realistic lang savers....hanggang kelan kakayanin ni rayver ang bad press....hindi sya superman.... i will understand kung hindi na nya kaya....ang babata pa ng dalawa....heavy masyado ang kasikatan ni bebe...


--

Originally Posted by gurlashpark of SaVers' PExCommunity

may point ka din sis..! pero isa sa pinagdadasal ng savers e wag sumuko si bro..! pero alam ko na mahirap talaga yung ganito sa kanya at kay SG.. di biro tong intriga na ito..


pero di ko rin maiwasan magisip..bakit ang daming bawal kay SG pag si rayver pinaguusapan? bawal magusap, bawal ang prod, bwal ang projects? e diba sabi nga FRIENDS lang sila? bakit ok lang naman pag sa iba mai-partner si sarah, pero pag si BRO ang laking issue! bakeeeeet?..

sori ha? pero di ko maiwasang magisip..talagang takot sila? kasi alam nila di mahirap umibig sa isang rayver cruz! di mahirap ibigin si sarah geronimo! ganun lang kasimple yun!


basta BRO, dito lang kami.. alam kong alang alang sa closefriend mo e willing ka magsuffer na ganito pero sana wag mong hayaang sirain nila yung matagal mo ng binuo na friendship nyo ni SG..


--

Originally Posted by lovesarahg of SaVers' PExCommunity

Hi...

Thank you for showing your concern for our Rayver. But to make the record straight, hindi naman ganun ang family ni Sarah lalo na si Daddy Delfin. Sobrang tahimik lang ang daddy ni Sarah and i dont think magagawa nya yung mga bagay katulad ng mga lumalabas sa mga dyaryo.

As for Ray.... naniniwala akong dadating din yung time nya. Rayver is a very nice person. Nakapabait nyang tao kaya walang reason para hindi sya ibless. Alam kong dadating din yung break nya sa showbiz at nafifeel kong malapit na malapit na yun.

To RAY.... i love you Bro. Mahal na mahal ko kayo ni Sarah, I hope hindi masira friendship nyo dahil sa mra intrigang lumalabas. Ngayon mo bro lalong ipakita kay Sarah kung ano sya sayo.


--

Originally Posted by bluerose0904 of SaVers' PExCommunity

SAVERS.... I'm so sad bakit ganito kadaming issues sa mahal nating SAVER ngayon Kung panong consistent silang dalawa answering na they are just SBF, consistent din ang mga intrigues sa kanilang dalawa. Bakit napakahirap intindihing FRIENDS lang sila for the moment at hindi naman nanliligaw si RC kay SG formally dahil hindi pa nga siya pwedeng ligawan diba?? Bakit sa showbiz na magfriendship silang dalawa lang ang ginaganyan to think dinadamay pa pati family nila nakakalungkot talaga..

Ganunpaman mas lalo ko silang minamahal.. RC God is good! keep strong and believe us may blessing na naghihintay para sa inyong dalawang mag SBF. Just keep believing to the power of LOVE!!!

SAVERS.... group hug natin SAVER!!!


--
(more...)
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Sooo SAD, quite MAD

Post by dhey1216 Fri Apr 16, 2010 7:43 pm

Parang may kuryente talaga sa pagitan nina Sarah at Rayver! Bukod sa spark ng kilig factor eh tila may kuryente talagang nagbabawal na magkalapit yung dalawa. May masama ba sa pagkakaibigan nila? Ano bang meron?

Ganun pa man, hindi pa rin kami titigil... kakapit pa rin kami sa pinananiniwalaan naming TOTOO.
Sarah at Rayver... mahal namin kayo. Walang iwanan, pagdadasal naming malampasan niyo ang lahat ng pagsubok na likha ng tao para sa inyo dahil alam kong lilikha ang Dios ng paraan para maging maayos ang lahat.
dhey1216
dhey1216
Member

Posts : 102
Join date : 2009-09-21
Age : 35
Location : South, Phil

http://dhey1216.multiply.com

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Re: Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

Post by rhedd Sat Apr 17, 2010 5:57 pm

HMMMM,PUROS NAMAN WUHLANG KATOTOHANAN ANG MGA NAGKALAT NITO..PATI BA NAMAN FRIENDSHIP NILA GUSTO PANG BUWAGIN.KUNDI RELASYON ANG SINISIRA NILA PAGKAKAIBIGAN NAMAN..HAIZZZZZ,PRESS BAT KAYO GANYAN?! TSK TSK..
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Re: Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

Post by ailynmon Sat Apr 17, 2010 6:56 pm

Sarah and rayver, pray lang ang katapat ng lahat ng nangyayari sa inyo. Just always keep in mind na marami kaming sumusuporta sa inyong dalawa. Hwag niyong hayaang sirain nila ang friendship niyo. Pasasaan pa at matatapos din ang trials na yan. Be strong and have faith always. I love you

ailynmon

Posts : 1
Join date : 2010-04-17

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty why?

Post by buntis101 Sun May 16, 2010 11:17 pm

yey! i'm here na.. nakapagregister na rin ako sa wakas... it's hard talaga kse pinaglilihi-an ko tong dalawang toh...but i can't seem to get my fix! I don't see them doing anything in ASAP..so sad...

and what's this nagalit yun dad ni sarah kay ray? whY? why? why? so sad, again!... confused

buntis101

Posts : 4
Join date : 2010-05-16

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Re: Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

Post by rhedd Mon May 17, 2010 12:57 pm

buntis101 wrote:yey! i'm here na.. nakapagregister na rin ako sa wakas... it's hard talaga kse pinaglilihi-an ko tong dalawang toh...but i can't seem to get my fix! I don't see them doing anything in ASAP..so sad...

and what's this nagalit yun dad ni sarah kay ray? whY? why? why? so sad, again!... confused

HI ATEEEEEEEE..WELCOME PO...KUNG KAMBAL BAB MO SIGURO MANA SA SaVer..HEHEH..

HMMM,SIGURO ATE EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON KAYA GANUN.. PERO DON'T BE SAD KZ WE'RE ALWAYS HOPEFUL FOR FUTURE PRODS..AND BESIDES AS LONG AS THEY REMAIN CLOSE FRIENDS CHOKS NA TAYO DUN..HEHEHE..

ATE POST KA DUN SA MEMBERS PAGE PARA MAKILALA KA NAMIN..
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing) Empty Re: Compilation: April 12 to 16 (Break-Up, Third Party, Uupakan thing)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum