www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Rayver, best friend ngayon ni Sarah

+3
prof_ganda
rhedd
alexa34
7 posters

Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by alexa34 Mon Feb 08, 2010 4:04 am

Rayver, best friend ngayon ni Sarah
Allan Diones
Abante Tonite newspaper (08 February 2010)

MASAYA at very proud ang kampo ni presidential aspirant Manny Villar sa pagpayag ni Sarah Geronimo na maging KaTropa.

Ayon sa anak ni Senator Manny na si Camille Villar, ikinagagalak nila na magiging katuwang niya si Sarah sa kanilang programa para sa mga kabataan na KaTropa o Kaalaman/Kabuhayan Para sa Kinabukasan.

Ani Camille, si Sarah ang magiging ambassadress ng KaTropa movement at makakasama niya itong mag-ikot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas para magbigay ng lectures, seminars at trai*ning para sa mga kabataan at hikayatin silang maging aktibo at produktibo.

Sa pamamagitan ni Sarah ay mas maaabot pa nila at ng kanilang prog*rama ang mas maraming kabataan sa bansa.

Ayon sa Popstar Princess, excited na siyang mag-ikot at makapiling ang mga kapwa niya kabataan kaya kahit busy siya sa kanyang showbiz career, hangga’t makakaya ay isisingit niya ang KaTropa sa kanyang schedule. Handa rin siyang mag-imbita ng mga kaibigan niyang kabataang artista na nais ding tumulong.

Ayon kay Sarah, nakaka-relate siya sa humble beginnings ni Sen. Villar at hindi raw nagkakalayo ang kanilang rags-to-riches story. Aniya, naniniwala siya na napakalaki ng kapasidad at abilidad ni Villar na maging lider ng Pilipinas.

Paliwanag niya pa, katulad ng pag-endorso niya noon kay Senador Edgardo Angara ay pinag-aralan at may research muna kung ano ang background at mga nagawa ng isang partikular na kandidato bago niya ito iendorso. Maaaring mag-suggest ang manager niyang si Boss Vic del Rosario, pero nasa kanya pa rin daw ang final say.

“Honestly po, nu’ng una, ayaw ko pong mag-endorse ng kahit na sinong presidential candidate. Kasi, malaking bagay po ‘yan. Kumbaga, buong bansa na ang pinag-uusapan natin dito.

“Pero since napatunayan ko naman po ‘yung hangad ni Sen. Villar na mag-lead at payamanin pa ang ating bansa… kasi, ang ultimate na hindrance natin towards success is poverty at sa pagkakaalam ko po, malaki ang kakayahan ni Sen. Villar na iangat at maiahon ang ating bansa. So, ‘yun po, napag-usapan po namin nina Boss Vic at ng buong pamilya ko,” bulalas ni Sarah nang makausap namin siya nu’ng Sabado nang hapon sa Laurel house ng mga Villar sa Shaw Blvd.

Paano kung mag-react o may masabi ang mga nasa ibang kampo sa pagsuporta niyang ito kay Villar? Katulad na lang ni Kris Aquino na ang kapatid na si Noynoy Aquino ay kumakandidato sa pagkapangulo?

“I don’t think ganu’n po siya mag-isip. Hindi ko po iisipin na pepersonalin ‘yon ni Ms. Kris. Kasi, iba po ang showbiz, iba po ang politics, ‘di ba po?”
Dagdag pa ni Sarah, walang alok mula sa kampo nina Kris at matagal na rin niyang pinag-isipan ang pagsuporta sa kampo ni Villar.

Sa presscon nu’ng Sabado ay pinalakpakan ang version ni Sarah ng sikat na sikat na jingle ni Sen. Villar na Naging Mahirap. Ni-record niya ang mahabang version nito na gagamitin sa radio plugs.

Pinag-uusapan pa kung gagawa siya ng TVC. Hindi na raw pinag-aralan pa ni Sarah ang nasabing kanta dahil saulado na niya ito sa dalas niyang marinig.

***

Tinanong namin si Sarah hinggil sa isyung ‘hinaharang’ umano ng kanyang inang si Mommy Divine ang mga production number sa ASAP na pagsasamahan dapat nila ng nali-link sa kanyang si Rayver Cruz. Totoo ba ‘yon?

“Hindi naman po. Nagkakasama naman kami ni Ray (tawag niya kay Rayver) sa mga opening number sa ASAP. Pero minsan po, iwas na rin sa mga intriga. Alam n’yo ‘yon?

“Minsan, ako na rin ang nagsasabi na masyadong mainit ‘yung intriga ngayon, so medyo huwag na lang muna, ganyan. Nakakatuwa naman po na ang ASAP eh, naiintindihan naman po nila,” dayalog ng 21-anyos na young diva.

So, ‘pag mainit ang intriga sa kanila, wala muna silang production number ni Rayver?

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman. Titingnan po natin sa mga ano…” bitin niyang sagot.

So, never kumontra ang mommy niya sa mga makakapareha niya sa number dahil ayaw nito sa isang tao?

“Hindi naman, ang ayaw lang ni mommy, ‘yung mga concept na medyo daring daw. ‘Yung sa mga songs like halimbawa, nu’ng kumanta ako ng Disturbia, tapos nakita niyang tumitirik-tirik ‘yung mata ko. Ayaw niya ‘yon. Hindi niya type ‘yon!
“Pero ako naman, ine-explain ko kay mommy na as a performer, dapat mai-showcase mo rin ‘yung versatillity mo. So, okey naman po. Basta huwag lang siguro ‘yung mga sobrang daring o revealing na suot.”
So, may sey rin ang madir niya sa mga makaka-partner niya sa number?
“Siyempre, may sey rin po si mommy kung sino sa tingin niya ‘yung magandang i-team up sa akin. Pero hindi naman po ‘yung, ‘Huwag ka diyan!’ Kumbaga, bilang nanay naman po at magulang, she has all the right naman para magsa*lita kung may concern siya rito. Ganu’n po.”

So, may concern ang mommy niya kay Rayver?
“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa lang niya sa tanong namin.

Hindi mamatay-matay ang isyu na meron silang secret relationship ni Rayver. Meron nga ba talaga?

“Meron talaga kaming secret relationship. Ha! Ha! Ha! Hindi, ‘yun ay ‘yung pagiging good friends namin. Alam n’yo po, hindi ko idi-deny na kami, kumbaga, when you say may closeness sa isang babae at isang lalake, marami kasing puwedeng meaning niyan, eh. Meron diyan na talagang close lang simula noon pa, ganyan…

“Kasi, kami ni Ray, ‘yun ‘yung sinasabi ko po na siya ‘yung tinuturing kong best friend ngayon,” sey ni Sarah.

Wow, best friend na? Nag-level up na sila?

“Ha! Ha! Ha! Hindi, siya po ‘yung… alam naman po natin na hindi pa po ako pupuwede (na magka-boyfriend). Ang dami ko pa pong responsibilities bilang isang… sabihin na po natin na breadwinner. At ‘yung pag-aaral

“Pero hindi naman po siguro mawawala na meron kang ano, eh… kumbaga, may mga tao ka ring nagbibigay inspirasyon sa ‘yo o anupaman. Pero wala eh, ngayon po talaga, masasabi ko na wala po kaming relasyon at sasabihin ko naman po eh, kapag po ako eh, allowed na.”

Malapit na ang Valentine’s Day. Puwede na ba siyang makipag-date?
“Hindi. Wala, wala po munang karapatang mag-date-date.”
Kahit movie date lang?

“Ha! Ha! Ha! Kayo talaga! Huwag po muna.”

Valentine naman, eh!

“Okey lang po ‘yan. Huwag na muna! Ha! Ha! Ha!”

Eh kung group date, tapos kasama nilang manonood ng movie si Rayver?

“Mahirap, eh! Kasi nga po, ‘di ba, iniintriga kami ngayon? Sabi nga, isa kang role model, so…”

So, hindi puwedeng manood ng sine ‘pag role model?

“Hindi, hindi naman po sa gano’n. Alam n’yo na po ‘yon. Naiintindihan n’yo na po ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” bungisngis ni Sarah.

alexa34
Administrator
Administrator

Posts : 182
Join date : 2009-09-19

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by rhedd Mon Feb 08, 2010 8:29 am

So, ‘pag mainit ang intriga sa kanila, wala muna silang production number ni Rayver?

“Ha! Ha! Ha! Hindi naman. Titingnan po natin sa mga ano…” bitin niyang sagot.


WAAAAAAAAHHH,BITINNNNNNN..SG ANOOOOOOOO?! WEHEHHE...

THANKS ATE FOR SHARINGGGGGGG...KILIG UNG MGA BOLD PART SA TAAS...HAHAHAH...SECRET NGA SECRET SECRET..HANGKHULETTTTT....
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by prof_ganda Mon Feb 08, 2010 3:18 pm

magsaya tayo savers!!!!!
hahaahaha........tagal ko rin hindi naka post!!
prof_ganda
prof_ganda
Member

Posts : 118
Join date : 2009-09-21
Age : 28

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by rane Mon Feb 08, 2010 8:27 pm

pasigaw waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh...

ano ng ano si SG ha...kakatuwa hehehe
rane
rane
Moderator
Moderator

Posts : 116
Join date : 2009-09-18
Age : 39
Location : Asia's Latin City

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by rane Mon Feb 08, 2010 8:29 pm

si Sarah... "Alam n'yo yon?"
si Ray naman... "Alam mo yun?"

wala lang.... heheheh
rane
rane
Moderator
Moderator

Posts : 116
Join date : 2009-09-18
Age : 39
Location : Asia's Latin City

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by ASHVER2025 Sat Feb 13, 2010 2:54 pm

For real SAVER wala ng iba!!!!
ASHVER2025
ASHVER2025
Member

Posts : 51
Join date : 2009-09-27

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by dhey1216 Wed Feb 17, 2010 10:42 am

So, ‘pag mainit ang intriga sa kanila, wala muna silang production number ni Rayver?
“Ha! Ha! Ha! Hindi naman. Titingnan po natin sa mga ano…” bitin niyang sagot.

Sa mga anoooo SArah? anoooo nga?
SG mode: SA MGA SUSUNOD NA LINGGO! lol!
Naniniwala akong MALAPIT NA...

SAVER is ♥️.
dhey1216
dhey1216
Member

Posts : 102
Join date : 2009-09-21
Age : 35
Location : South, Phil

http://dhey1216.multiply.com

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by Pipay Wed Feb 17, 2010 10:57 am

halaaaaaaaaa slamat naman at nakapag sign na ako ulit/

Pipay
Member

Posts : 6
Join date : 2009-09-24
Age : 39

Back to top Go down

Rayver, best friend ngayon ni Sarah Empty Re: Rayver, best friend ngayon ni Sarah

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum