www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

30Jan2009: Kahit six-footer daw sya... Rayver, nanliliit sa panliligaw kay Sarah!

Go down

30Jan2009: Kahit six-footer daw sya... Rayver, nanliliit sa panliligaw kay Sarah! Empty 30Jan2009: Kahit six-footer daw sya... Rayver, nanliliit sa panliligaw kay Sarah!

Post by AC Thu Sep 10, 2009 7:47 pm

Kahit six-footer daw siya.....
RAYVER, NANLILIIT SA PANLILIGAW KAY SARAH

BULGAR
30 January 2009
Roldan Castro



INURIRAT ng press is Rayver Cruz sa presscon ng May Bukas Pa na palabas sa Feb. 2 sa ABS-CBN 2 tungkol sa pagkakalink nya kay SARAH GERONIMO. "Flattered ako. Napakasaya 'nun kasi SARAH GERONIMO 'yun, 'di ba?" reaksyon niya.

Kinikilig ba siya kay SARAH? "Oo naman. Lalo na pag nagpe-perform siya sa A.S.A.P.," tugon niya. Nililigawan na ba niya si SARAH?

"Siyempre, gusto ko, kung may pagkakataon man, maging close muna sa kanya, maging kaibigan ko muna siya, mas maging malapit sa kanya na tipong nakaka-kwentuhan ko siya, ganun. Hindi naman 'yung ligaw agad. Basta ngayon, gusto kong maging close muna kami. Du'n po kasi malalaman talaga e! Wala pa talaga 'yung nililigawan ko siya o pinopormahan," bulalas niya.

Type ba talaga niya si SARAH? "Six footer ako pero nanliliit ako," sambit niya kaya nagtawanan. Parang may pag-asa siya kay SARAH? "Tingnan na lang natin. Ipaubaya na lang natin yan kay Bro (tawag kay Jesus) kasi may bukas pa, e!" tumatawa niyang sabi.

Hindi ba siya ready na mgaka-girlfriend? "Ayaw ko lang nang minamadali ang lahat ng bagay kasi hindi maganda kung lahat minamadali. Mas maganda na ang mabagal pero sure," aniya.
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum