www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan

Go down

Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan Empty Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan

Post by angelll Thu Jan 28, 2010 5:19 pm

Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan
www.pinoyparazzi.com



BILANG EX-BOYFRIEND NI Shaina Magdayao, hindi maiwasang matanong si
Rayver Cruz tungkol sa balitang napapadalas daw ang paglalasing lately
ng young actress dahil sa sobrang depression sa nangyaring break-up
nito at ni John Prats. Ayaw umano niyang maniwala na totoo ito.

“Hindi kasi gano’n ang pagkakakilala ko sa kanya,” aniya. “Hindi ko
ma-imagine na iinom siya at maglalasing dahil lang sa kung anumang
problema.”

Pero what if it’s true na nagpapakalunod nga sa alak itong si Shaina just to get over the pain caused by her split-up with John?

“Hindi ko talaga maisip na posibleng mangyari iyon. Pero… kung totoo,
halimbawa, well sana maisip niya na hindi iyon ang solusyon sa
problema. But then, hindi nga siya gano’n the way I know her. Alam kong
she knows how to handle problems very well. Intriga lang siguro iyon.
Alam mo naman dito sa showbiz, ‘di ba?”

Speaking of intriga, maging si Rayver man ay nasasalang din ngayon sa
mga isyung sangkot din ang rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo.
Usap-usapang nakakaisip na umanong magrebelde ang young actress-singer
dahil sa sobrang paghihigpit at pagkontra ng ina nito na magkaroon na
ng boyfriend ang dalaga.

Ito rin ang napapabalitang rason kung bakit diumano ay hindi nila
maamin-amin na nagkakamabutihan na nga sila. Matatandaang bago pa
ma-link si Sarah kay John Lloyd Cruz ay maugong na ang usap-usapang may
mutual understanding na sila ni Rayver.

“Ang totoo, talagang magkaibigan lang nga kami ni Sarah,” pagdidiin ng
young actor. “And respetuhin na lang natin siguro ang desisyon ng
magulang niya na talagang hindi pa muna. Priority pa rin niya siyempre
ang studies at saka ang career. Pati family, ‘di ba? Do’n na lang muna.

“May time din naman sigurong darating na puwede na siyang ligawan o
puwede na siyang magka-boyfriend. Tingnan na lang natin kung ano ang
mangyayari.”

Pero sa tono ng mga nagiging pahayag ni Sarah kapag si Rayver na ang
napag-uusapan, reading between the lines, it appears na gusto nga nito
si Rayver. At sa lahat ng na-link sa dalaga, siya nga ang parang may
soft spot sa puso nito. Dangan at talagang hindi nga umano maawat sa
pagiging kontrabida ang Mommy nito kung pagkakaroon ng lovelife ang
pag-uusapan.

“’Yon nga, may isyung nagre-rebelde na raw siya at gustong bumukod na
dahil daw sa akin. And minsan, nakakausap ko naman siya, nagti-text
ako, nagsu-sorry ako na may mga lumalabas na issues na gano’n. Na
parang siya pa ang napapasama.

“Nagsu-sorry ako kasi magkaibigan lang naman talaga kami. Alam mo si
Sarah, napakabait niya, napakamasunurin. So parang imposible naman na
gawin niya ang mga gano’ng bagay. Alam mo ‘yon?

“Respetuhin na lang natin ang desisyon ng pamilya niya na gano’n talaga
muna iyon. Alam mo ‘yon? Ako nga happy na ako na friends kami. Kung ako
nga, hindi ako nagmamadali. And if ever man na kung anuman ang mangyari
pagdating ng panahon, in God’s time na kunwari kami man sa huli, ‘di
ba? Eh, ‘di kami. Basta happy ako na magkaibigan kami.”

Napi-feel ba niya na ayaw rin sa kanya ng ina ni Sarah?

“Ang magulang naman kasi, hindi naman sa iaayaw niya sa ‘yon, ‘yong
gano’n? Lahat naman, kahit sinong magulang puprotektahan ang anak nila
lalo na kung babae. Eventually, papayagan din siguro si Sarah na
magka-boyfriend or maligawan.

“Pero ngayon, ang priorities nga ni Sarah eh, mas marami pang ibang
bagay kesa magpaligaw o mag-boyfriend o anuman. So, siguro do’n nga
muna siya dapat mag-focus.

“Totoo, ni hindi ako nanliligaw sa kanya ngayon. Kahit sa iba, hindi
pa, eh. Magko-concentrate na rin lang din muna ako sa career ko. Lalo
na ngayon na may big break ulit sa akin sa Magkano ang Iyong Dangal.
Maganda ang pasok ng taong 2010.

“So, sa trabaho muna ako mag-concentrate. Kailangang pagbutihin dahil
maganda at mas mature na ang role na ipinu-portray ko sa bagong project
ng ABS-CBN sa akin. Bale, dalawa kami ni Sid Lucero na leading men ni
Bangs (Garcia).”

Si Sarah, may nasabi na gusto rin daw sana nitong magkaroon sila ng
project o magkasama ni Rayver sa trabaho. Pero talaga umanong may
humaharap at kumukontra na ang hinala nga ng marami ay ang ina ng
dalaga.

“Hindi ako naniniwalang may kumukontra. Talaga lang sigurong wala pang planong gano’n for us.”


Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan
angelll
angelll
Moderator
Moderator

Posts : 403
Join date : 2009-09-18
Age : 34
Location : Manila

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum