www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

5 posters

Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by alexa34 Tue Jan 26, 2010 9:07 am

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord
Abante.com by Rey Pumaloy
Jan 26, 2010


SABI ng nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine, kung siya ang masusunod, gusto niya na kung sino ang unang magiging boyfriend ng anak niya ay ‘yun na rin ang mapapangasawa nito.


Ayaw ng nanay ni Sarah na magpapalit-palit, o magpalipat-lipat sa ibang lalaki si Sarah.


At kung si Rayver Cruz nga ang sinasabing dyowa ngayon ni Sarah, aba, nakatakda na pala talaga siyang mapangasawa ni Sarah.

“Siguro mahirap na ‘yung ganun sa panahon ngayon. Pero, may mangilan-ngilan pa rin namang ganun sa ngayon. Pero, hindi ko sinasabing ako ‘yon.


Basta naniniwala ako na kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka na maghahanap ng iba pa.”

So, ganun ba siya ngayon, na si Sarah lang talaga ang tinitingnan niya? O nakapikit na nga ang mga mata niya sa ibang babae? Pero sabi ni Rayver, sa career siya naka-focus ngayon at hindi sa babae.


Paulit-ulit ding nililinaw ni Rayver na wala siyang sinasabing hihintayin niya Sarah kung kailan ito puwedeng makipagrelasyon. Na willing siyang maghintay ng sampung taon.


“Ang sinasabi ko, nandito lang ako para maging kaibi*gan niya. Mahirap magsalita nang patapos, pero si Sarah ang tipo ng babaeng worth the wait talaga, na hihintayin mo kahit gaano katagal dahil alam mo na ‘pag nakasama mo at ‘pag puwede na, worth it tala*ga ang paghihintay mo,” say ni Rayver.


Sabi pa ni Rayver, ipinauubayan na niya sa Diyos ang magi*ging kapalaran ng pagmamahal niya kay Sa*rah. A*yaw raw muna niyang isipin na baka posibleng maulit muli ang nangyari sa kanya kay Shaina Magdayao, na niligawan niya nang matagal pero si John Pratts ang nagwagi.


Bahala na! Hindi natin alam kung ano ang magiging kapalaran. Actually, para sa akin si Lord lahat ‘yan. Kung gusto ni Lord na kami ang para sa isa’t isa, sa bandang huli kami rin. ‘Pag hindi, if ever nga na hindi maging kami, okey lang. Ang importante, magkaibigan kami, doon kami magsimula,” seryosong sambit pa ni Rayver.


Siyanga pala, inamin ni Rayver na ipinaalam niya kay Sarah ang pagtatambal nila ng seksing aktres na si Bangs Garcia sa “Magkano Ang Iyong Dangal?”. Nu’ng nakatsikahan namin si Rayver, hindi pa raw nakukunan ang mga intimate scenes nilang dalawa ni Bangs. Pero, inamin niyang ngayon pa lang ay tinutukso na siya ni Sarah sa mga posibleng gagawin nila ni Bangs.
Alam niya at siyempre happy siya kasi naggu-grow na raw ang career ko, ‘yung pagiging artista ko. Tinutukso niya ako, sinasabi niya, ‘Uy, mature role ka na’. Pero happy siya kasi nga one of the lead ako rito.

Sabi ko nga sa kanya, panoorin niya ‘pag may time siya. Eh, kasi laging wala ‘yon sa bahay nila, busy palagi. Pero sana magkaroon siya ng time na panoorin,” sambit ni Rayver na palaging nagningning ang mga mata sa tuwing si Sarah ang topic.

alexa34
Administrator
Administrator

Posts : 182
Join date : 2009-09-19

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by AC Tue Jan 26, 2010 9:39 am

Napaunlurk naman ako anubehhhh!! Kinikilig ako.. Si Lord nga ang bahala. Ay grabeee ka RC! Nasayo na lahat ng katangian na magugustuhan ni SG, matangkad, matangos ang ilong, gwapo, magaling sumayaw, kumakanta, God fearing, nirerespeto sya at ang kanyang pamilya. Ayieeeee! Naku bro, maraming nananalangin kay Lord na sana kayong dalawa sa huli. Worth the wait naman talaga si Sarah, kaya bro, sana sa ngayon, huwag kang mawawala sa tabi nya bilang kaibigan at kahit pa maging kayo eh magkaibigan parin kayo. Ayun naman eh, ayun naman ang foundation ng isang relasyon, ang friendship! giggle
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by rhedd Tue Jan 26, 2010 9:45 am

WAAAAAAAHHHH.... MAY TUKSUHANG NGYAYAR FROM SG?! AT MAY IMBITASYONG NGYAYARI FROM RC?! KALOKAH NA TOOOOOOOOO...LAGING UPDATED ANG DALAWA...
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by dhey1216 Tue Jan 26, 2010 10:40 am

BRO... ikaw na ang bahala.!
Pareho silang busy sa ngayon, pero naniniwala akong kung sila nga tlaga para sa isa't isa, gagawa at gagawa po kayo ng paraan.

To Ray, keep the faith bro...
To ash, keep in touch...

Much Love,
KAPIT
dhey1216
dhey1216
Member

Posts : 102
Join date : 2009-09-21
Age : 35
Location : South, Phil

http://dhey1216.multiply.com

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by alexa34 Tue Jan 26, 2010 11:00 am

as innnnnnn!!!! tapos..taposss.... may ganito na sila "ipinaalam ko po sa kanya" YES NAMAN! nagpapaalam na si BRO kay SPECIAL FRIEND..hmmmmmm!!! ayeeeeeeeeeeeeee! anubehhhhh kinikilig ako ng bonggang bonggga!!!! bait naman ni ray, nagpapaalam talaga kay Sweetheart friend, ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! tapos, kaka-touch naman yung birit niya na “Basta naniniwala ako na kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka na maghahanap ng iba pa.” Nakuuuuuuuuuuuuuu! Rayver, bakit ngayon ka lang pinanganak? (naks! may ganun?).. Joke lang...happily in-love at married na po si ate... pero I love your prinsipyo ray.. sana mapapanindigan mo, kasi kahanga-hanga ka..VERY IDEAL...MAHIRAP MAKATAGPO NG LALAKING KATULAD MO..lalo na sa panahong ito...KAYA SOBRANG LOVE KITA FOR MY DEAR SG..LOVE U BOTH. Sabi ni DHEY, "KEEP THE FAITH" yeah, keep the faith ray, SHE IS SO WORTH IT. Good luck

alexa34
Administrator
Administrator

Posts : 182
Join date : 2009-09-19

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by rane Tue Jan 26, 2010 9:32 pm

i so love the article.... anubehhhhhhhhh... kilignessss talaga... NO AIR MODE..... I love you
rane
rane
Moderator
Moderator

Posts : 116
Join date : 2009-09-18
Age : 39
Location : Asia's Latin City

Back to top Go down

Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord Empty Re: Pag-ibig kay Sarah, ipinauubaya ni Rayver kay Lord

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum