www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SARAH, EXCITED KAY LUIS

4 posters

Go down

SARAH, EXCITED KAY LUIS Empty SARAH, EXCITED KAY LUIS

Post by rhedd Sat Jan 09, 2010 4:40 pm

SARAH, EXCITED KAY LUIS
by Allan Diones
Abante-Tonite January 9, 2010 Saturday

ANG saya-saya ni Sarah Geronimo dahil matutuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.

Tsika ni Sarah sa kanyang post-Christmas salu-salo with the entertainment press kamaka*lawa nang gabi sa clubhouse ng Charbel Exe*cutive Village (Mindanao Av., Tandang Sora, QC), next week na ang simula ng shooting nila ni Juday ng pelikula na ididirek ni Wenn Deramas.

Wala pa itong working title at hindi pa sure ni Sarah kung anong role nila dahil katatanggap niya lang ng script. Basta ang alam niya ay isa itong light drama-comedy flick.

Si Luis Manzano ang makakatambal niya sa pelikula. Anong masa*sabi niya sa bago niyang kapareha?

“Excited po ako sa kung ano ‘yung magiging chemistry namin, since comedy ‘yung movie. Hindi siya ‘yung loveteam-loveteam na intimate na ano. So, excited po ako,” nakangiting sey ng Pop Star Princess.

Kuwento ni Sarah, masaya ang nagdaang Pasko niya. Madalas pa rin silang magka-text at magkausap ni Rayver Cruz.
Ano nang latest sa kanila ni Rayver?

“Ano po kami, good friends. May gano’n? Ha! Ha! Ha! Showbiz na showbiz? We’re just friends! Ha! Ha! Ha! Pero totoo naman po, eh. ‘Yun lang po talaga.”
‘Yung gustung-gusto niyang pabango ang Christmas gift sa kanya ni Rayver. Siya raw ay wala pang gift sa binata, pero kahit late na ay gusto pa rin niya itong bigyan ng regalo.


Si John Lloyd Cruz ay wala raw gift sa kanya, nagbatian lang sila nu’ng magkita sila sa ASAP.

Ngayong 2010 ba ay magkakaroon na siya finally ng lovelife?
“Who knows? Hindi ko po alam. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Sarah, sabay kambyo na marami pa siyang kailangang asikasuhin bago makipag-boyfriend.


Kung siya ba ang masusunod ay gusto na niyang magkanobyo?
“Hindi naman po sa ayaw, pero ang dami kasing factors na kailangang i-consider, ‘di ba? Mahirap pong ipaliwanag. Saka na po ‘pag puwede na.”

In fairness ay mukhang pursigiro si Rayver sa kanya, huh!
“Eh, kung magiging ganu’n nga po siya talaga, tingnan natin… sa 2020! Ha! Ha! Ha! Joke lang po.”


Ilang years ba ang ipaghihintay ni Rayver?
“Eh, hindi ko rin naman po masasabi ‘yon, ‘di ba? Bahala na po.”
Pero may chance ito na sagutin niya?

“Alam naman po niya ‘yon na ‘yung friendship namin na nabuo bago pa nagsimula ‘yung pelikula (You Changed My Life), ‘yun po ‘yung pinahahalagahan namin. Hanggang ngayon na 2010 na, sana manatili ‘yon. ‘Yun lang naman po,’ very wholesome pa ring sabi ng 21-anyos na singer-actress.

Hindi raw siya niyaya ni Rayver na manood ng filmfest entry nitong Shake, Rattle & Roll XI. Wala rin daw kasi siyang time at sobrang busy ng sked niya.

Pag niyaya siya ni Rayver na manood ng sine, sasama ba siya?

“Eh, kailangang magpapaalam muna siya sa parents ko. Kung papayagan po ako ng parents ko, why not, eh friends naman kami, ‘di ba?” sagot niya.


Pag pinayagan daw siyang mag-movie with Rayver ay magsasama raw si Sarah ng chaperone. Paano kung okey lang sa parents niya na silang dalawa lang ni Rayver ang lumabas?

“Eh, ‘di okey lang po, kahit kami lang. Ha! Ha! Ha!”
Aniya, alam ng young actor kung paano siya protektahan ng magulang niya at kung anong priorites niya.


Basta kami, happy po kami na magkaibigan kami. ‘Pag nag-uusap kami, nalalabasan ko siya ng sama ng loob ko, ganyan. Parang in a way, parang best friend ko na rin siya sa business na ‘to.”

Sabik na ba siyang magka-boyfriend?
“Hindi naman po sabik. Ha! Ha! Ha! Siguro, nae-excite? Siyempre naman, nabi-visualize ko ‘yon kung paano maging girlfriend.

“Pero nakikita ko po na parang hindi pa siya mangyayari. Kasi, ang dami pang priorities, ‘yung pag-aaral po, nahihirapan akong pagsabayin bilang home study ako.

“Kung magiging girlfriend po siguro ako, sobra akong mapagmahal, na responsible pa rin at alam ang limitasyon. Kailangan, balanse ang work, family at lovelife.

“Pero tingin ko po, hindi pa ako ready to handle that at this point in my life,” dayalog pa ni Sarah.
**************
originally posted by emma_claire in pex
rhedd
rhedd
Administrator
Administrator

Posts : 284
Join date : 2009-09-18
Location : minsan sa mars

http://www.savers.tk

Back to top Go down

SARAH, EXCITED KAY LUIS Empty Re: SARAH, EXCITED KAY LUIS

Post by Stephanie_06 Sat Jan 09, 2010 5:19 pm

BESTFRIEND?...diba nagssTart sa frenship lhat!..whOooh!...LuPet mOe BRO!..

Stephanie_06
Member

Posts : 15
Join date : 2009-12-20

Back to top Go down

SARAH, EXCITED KAY LUIS Empty Re: SARAH, EXCITED KAY LUIS

Post by angelll Sat Jan 09, 2010 6:06 pm

ayieeeeeeeeeeee.,

nameeeeeeeeennn!!!.,

foundation of all ang FRIENDSHIP!..,
angelll
angelll
Moderator
Moderator

Posts : 403
Join date : 2009-09-18
Age : 34
Location : Manila

Back to top Go down

SARAH, EXCITED KAY LUIS Empty Re: SARAH, EXCITED KAY LUIS

Post by 31st_eirevle Sat Jan 09, 2010 10:19 pm

sarap basahin!
talagang napapangiti ako sa mga highlighted part.. SARAH, EXCITED KAY LUIS Icon_cheers

waaaahh..bakit ba nakakakilig? SARAH, EXCITED KAY LUIS Lol
31st_eirevle
31st_eirevle
Moderator
Moderator

Posts : 83
Join date : 2009-09-18
Age : 32
Location : over there. .

Back to top Go down

SARAH, EXCITED KAY LUIS Empty Re: SARAH, EXCITED KAY LUIS

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum