www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

5 posters

Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

Post by alexa34 Sat Dec 26, 2009 12:18 am

Pasko ni Rayver, malungkot pa rin

(ALLAN DIONES)

Unang Pasko ng pamilya ni Rayver Cruz na hindi na nila kasama ang daddy niyang si G. Rodolfo Ilustre (na pumanaw nu’ng Oktubre 19 sa edad na 75).
Nalulungkot ang 20-anyos na bagets pag naiisip niya ang kanyang nasirang ama. Very gene­rous ang daddy ni Rayver at lagi silang may gift sa bawat okasyon hindi lang ‘pag Pasko, kaya ramdam na ramdam nila ang pagkawala nito.
Sabi ni Rayver, ayaw niyang naiiwan na mag-isa sa bahay dahil ‘pag siya lang ay nami-miss niya ang papa niya at umiiyak pa rin siya. Si Rayver ang bunso sa tatlong magkakapatid, panganay ang Kuya Omar niya at gitna ang nasa showbiz ding si Rodjun.
Memorable gift sa kanya ng dad niya ang Cool Water perfume na gamit niya hanggang ngayon dahil ‘yun din ang pabango nito. Nang pumanaw ang daddy niya ay lalong tumatak sa isip ni Rayver ang mga payo nito nu’ng nabubuhay pa.
May katandaan na ang dad niya kaya ‘pag kasama niya ito sa mall ay madalas itong pagkamalan na lolo niya. Kahit ganu’n ay cool na cool ang daddy niya at madalas pa siya nitong biruin na ang guwapu-guwapo niya, matangkad pa at tisoy pero hindi pa siya nagkaka-girlfriend.
Katwiran ni Rayver, darating din ang tamang panahon para magka­nobya siya, ayaw niyang madaliin kung hindi pa panahon.
Okey pa rin si Rayver at ang nali-link sa kanyang si Sarah Geronimo. Sinabihan namin ang bagets na yayain niyang mag-movie si Sarah dahil mahilig itong manood ng sine.
May filmfest entry ang guwaping na young actor, kasali siya sa cast ng ‘Lamang Lupa’ episode ng Shake, Rattle & Roll XI. Next time na makita namin si Rayver ay aalamin namin kung sinunod niya ang tip namin na yayain niyang mag-watch ng SRRXI si Sarah.

alexa34
Administrator
Administrator

Posts : 182
Join date : 2009-09-19

Back to top Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty Re: Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

Post by knsm7o4 Sat Dec 26, 2009 11:38 am

sana nga invite niya si sarah Happy
knsm7o4
knsm7o4
Member

Posts : 15
Join date : 2009-12-13
Location : Philippines

Back to top Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty SAVER to watch a movie? ayiiee

Post by dhey1216 Sat Dec 26, 2009 4:35 pm

Bongggang suggestion yun, i must say.

naku! hindi ko tuloy mai-imagine na manuod sila ng movie together. whheeee

parang malabo nman yun sa ngayon, i don't think na papayagan si sarah. pero malay nman natin diba? ganun kaming SAVERs, matitibay ang tiwala at pananalig kay BRO!

nakakapit lang kami...
dhey1216
dhey1216
Member

Posts : 102
Join date : 2009-09-21
Age : 35
Location : South, Phil

http://dhey1216.multiply.com

Back to top Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty Re: Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

Post by saro Sat Dec 26, 2009 6:21 pm

sarah & rayver...sama nyo ako pag manood kayo ha!!! as chaperon...hehehe

saro
Member

Posts : 5
Join date : 2009-10-20
Age : 43
Location : tandang sora

Back to top Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty Re: Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

Post by rane Sat Dec 26, 2009 8:21 pm

na invite na kaya ni papa si mama? ayieeeeeeeee
rane
rane
Moderator
Moderator

Posts : 116
Join date : 2009-09-18
Age : 39
Location : Asia's Latin City

Back to top Go down

Pasko ni Rayver Malungkot pa rin Empty Re: Pasko ni Rayver Malungkot pa rin

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum