www.SArah-rayVER.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

18Sep2009: Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

2 posters

Go down

18Sep2009:  Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga Empty 18Sep2009: Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

Post by AC Fri Sep 18, 2009 10:21 pm

Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga
Abante-Online
Sept. 18, 2009
Allan Diones

NAGULAT si Sarah Geronimo kung saan nalaman ng press ‘yung isyung sinabihan niya si John Lloyd Cruz na maghintay nang 5 years dahil saka lang siya magiging handang makipag­relasyon.
Paglilinaw ni Sarah­, wala siyang sinabing gano’n kay Lloydie, pero totoong nabanggit niya rito na baka after 5 years ay ready na siya at kaya na niyang magka-lovelife.
Hindi niya raw direktang sinabi kay Lloydie na hintayin siya nito. Nagkakuwentuhan lang daw sila ng young actor nu’ng time na ‘yon at med­yo naging personal ang kanilang usapan.
Hindi masabi ni Sarah kung totoong ‘nagparamdam’ sa kanya si John Lloyd nu’ng panahong magkasama sila dahil wala raw diretsong sinabi ito sa kanya na balak siya nitong ligawan o maging girlfriend in the future.
Paninindigan niya na ba ‘yon na after 5 years pa siya magbo-boyfriend?
“Ang sabi ko po, si­guro naman after 5 years, ready na ako, ‘yung puso ko at lahat para doon,” sey ni Sarah kahapon nang matsika namin siya sa presscon para sa concert niyang Record Breaker (na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 7).
Bakit 5 years? Bakit hindi 4, 3, 2 or 1 year?
“Ha! Ha! Ha! Siguro po kasi, parang ‘yun ‘yung maximum eh, 5 years!” sagot niya.
Paano pag next year, eh may ma-meet siyang guy na kaiinlaban niya? Mahirap pigilan ang puso, huh!
“Oo naman. Kasi, kung talagang nandu’n na po ako, hindi ako mapi­pigilan, ‘di ba? Kung talagang, ‘Ay, mahal ko na ‘to! Kaya ko na!’
“Pero at this point, wala pa po talaga. Nandiyan pa lang tayo sa mga inspirasyon pa lang,” da­yalog ng 21-anyos na Pop Star Princess.

Dugtong ni Sarah, gusto niya munang makatapos ng college bago siya magka-boyfriend. Kumukuha siya ngayon ng kursong Associate in Arts sa UP Open University, pero hindi niya masa­bi kung kailan niya ito matatapos.
Sa tindi ng schedule niya ay hirap daw siyang isingit ang kanyang pag-aaral, kaya hindi niya sure kung gaano katagal ang aabutin nito.
***
Kung si John Lloyd ay hindi na niya gaanong nakikita at nakakausap, ang isa pang nali-link sa kanya na si Rayver Cruz ay nandiyan pa rin daw at hindi nawawala.
Natutuwa raw si Sa­rah na nandiyan pa rin si Rayver at tipong masigasig pa rin.

Eh si Jericho Rosales?
“Kuya ko ‘yon!” mabilis na sagot ni Sarah. “Si Kuya Echo… si Je­richo Rosales, kuya ko ‘yon.”
Maging si Mark Bautista ay parang kapatid din lang ang turing ni Sarah.
Nang tanungin namin kung anong daring move ang gagawin niya sa kanyang Araneta concert, ang hirit ni Sarah ay, “Magtu-two piece ako! Joke lang! Ha! Ha! Ha! Sige po, two-piece pero may body stockings! Ha! Ha! Ha!”
Kaya ba niyang mag-costume ala-Lady Gaga?
“Napanood ko po ang concert niya, at hindi ka pa po kayang gawin ang ganu’n ka-revealing!” bulalas ni Sarah.
“Dadaanin ko na lang po sa attitude!”
Ang bagets singer na si Charlie Green pa lang ang kumpirmadong guest sa Record Breaker concert ni Sarah.

http://www.abante-tonite.com/issue/sep1809...ment_story1.htm
AC
AC
Administrator
Administrator

Posts : 316
Join date : 2009-09-09
Age : 33
Location : sa PUSO mo.:">

http://sarah-rayver.com

Back to top Go down

18Sep2009:  Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga Empty Re: 18Sep2009: Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

Post by jamz019 Fri Oct 02, 2009 7:09 am

AC wrote:Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

KORAK BEBE KO I love you
TALAGANG DI NA KAILANGAN,COZ SARAH IS SARAH!!!

NAG IISA LANG SI SARAH GERONIMO!!!!
jamz019
jamz019
Moderator
Moderator

Posts : 250
Join date : 2009-09-19
Age : 47

Back to top Go down

18Sep2009:  Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga Empty Re: 18Sep2009: Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

Post by Guest Fri Oct 02, 2009 7:04 pm

ayihee. kilig naman ito guys!

nandiyan lagi si rayver para kay sarah. I love you

Guest
Guest

Back to top Go down

18Sep2009:  Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga Empty Re: 18Sep2009: Sarah, hindi kayang mag-ala-Lady Gaga

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum